sickening metamorphosis

My Categories

your name:

url:

your message:

November 4th, 2004

baler happenings

Posted by kalayaan at 10:20 AM on November 4, 2004.

tarlac
nov. 1 '04 11:30pm
tulog na ako.. ang aga pa pero gusto ko na makatulog.. hinihintay ang alas singko ng umaga.
nov. 2 '04 1am
tumingin ako sa orasan.. akala ko alas singko na..
2:30am
sumilip ako sa labas.. baka gising na ang mga tao.. baka alas singko na ng umaga.. tahimik pa ang lahat. patay pa ang mga ilaw sa bahay
hindi na ako makatulog.. eto nanaman ang insomnia ko
insomnia nga ba ito o excited lang ako
maya maya tumitilaok na ang mga manok.. alas quatro y media na
malapet nang mag alas singko
idlip ako sandali
pagmulat ng mata ko 5:10 na..
napangiti nalang ako at bumangon..
kain, ligo, sipilyo, bihis
nakagayak na ako
handa na akong umalis

5:45am
sumakay na ako ng tricycle
pagdating sa baliwag transit, 6:05, nakaalis na yung first trip
maghihintay pa ako hanggang 6:30
ayus lang pero sayang kung napaaga lang ako ng ilang saglit
6:30 umalis yung bus papuntang cabanatuan
8:15 dumating na ako sa cabanatuan bus terminal
saan na ako sunod na sasakay
nagtanong tanong ako
"san po yung bus papuntang baler?"
ayun naghihintay ang genesis liner sa aking pagsampa
galing pa 'yon ng maynila, hinintay lang ako
hintay, hintay, hintay
9:30 umalis na ang bus.. sa wakas!
bundok, puno, liko, bato-batong daan
isa, dalawa, tatlo, apat na oras na paglalakbay
1:45 baler common bus terminal
napangit na ako
andito na ako sa baler
text: "andito na ko terminal. punta ka na d2 goooo!"
yehey andito na ako!!

punta kame sa kanila
nahihiya ako andun ang magulang nya
pero ayus lang yan
daan kame sa complex.. nagsound check ng gamit para sa mamayang tugtugan
tapos punta kame sa dagat
sa dagaaaaaaaat!!
madilim na, ang lakas ng alon
lakad lakad lang kame sa dalampasigan
magkahaway kamay, tahimik
hindi kami makapaniwala na asa baler ako
nasa baler nga ako.. ang galeng
nagbasa basa kame ng paa
ang sarap ng tubig, ang lambot ng buhangin
mahal ko ang dagat pero noon ko lang siyang nakitang nakangiti

madami pa nangyare
tumugtug sila.. ina ni basilio.. the de guzman brothers
galeng! yun lang ang masasabi ko..
ang magkakapatid na henyo sa musika
1:30 am
tapos na ang tugtugan
umuwi na kame sa kanila
alas tres ng umaga ang first trip pauwi ng maynila
uuwi na kame.. sabay sabay.. hindi na ako mag-isa
katabi ko na sa bus yung isang bata dyan
walong oras nanaman na byahe
pero mas masaya na.. may kayakap na 'ko sa bus
masaya na ako,, pagkatapos ng siyam na araw nagkita na din kame
hindi pa din ako makapaniwala na nakapunta ako sa baler
ang galeng!

slap me

October 30th, 2004

..:: UNAN ::..

Posted by kalayaan at 01:47 PM on October 30, 2004.

Sa aking pagtulog, basa nanaman ang unan ko
Natuuan ng mga luha ng gunita mo
Tatlong araw na ‘to.
Tatlong araw na walang humpay sa pag-agos ng luha ko
Walang narinyan para tuyuin ito.
Walang nagpupunas. Walang pumupukaw.
Pagod na ang aking mga mata
Namumugto na at namumula
Pagod na din ang utak ko
Pagod na sa pagpilit sa puso ko
Na mahal mo nga ‘ko
Tanggap ko na. Suko na ‘ko.
Matutulog na ako ng hindi ka iniisip.
Matutulog ako ng mahimbing na mahimbing.

Hindi maga ang mga mata ko sa aking paggising
Nakangiti ang aking puso
Payapa ang aking isipan
Pero bakit basa pa din ang unan ko?
Tang-ina napasarap ata yung tulog ko
Tumulo ang laway ko.

3 slap/s

bakit nga ba?

Posted by kalayaan at 11:04 AM on October 30, 2004.

baket nga ba sinasamba ang mga bituin
at hindi ang buwan?

slap me

October 28th, 2004

walang laman ang utak ko

Posted by kalayaan at 09:42 PM on October 28, 2004.

wala na
akong maisu
lat kasi
naubos na a
ta yung laman
ng utak ko ka
si maghapon akong
nakatanga sa hara
pan ng kompyuter
para ayus
in itong blog ko

isa lang nararam
daman ko...
namimis ko na
yung isang bata na nasa
malayung kabunduk
an. umuulan ngayon
sarap ng may ka
yakap

basta sabi nga nila
konting ti
is nalang magkaka
sama na ulet kame

3 slap/s

frustration frustration

Posted by kalayaan at 08:59 AM on October 28, 2004.

haaay.. sana makabili na ko ng magandang slr digicam

slap me

« Newer | »